Friday, February 5, 2010

gusto mo bang sumama saken?

kasabay ng hindi ko maipaliwanag na kaligayahan, dinama ko ang haplos ng malamig na hangin sa mukha ko, hinayaang ilipad ang ilang buhok na tumakas sa pagkakapusod…daig pang tigang na lupa ang katawan ko, kaluluwa na inulanan ng sariwang hangin na nilalanghap ko ng mga pagkakataong iyon… uhaw na uhaw…
pinaglalaruan ng mga daliri at palad ko ang mga damo sa paligid ng aking kinauupuan… tinanggal ang maliliit at makakating amor-sekong kumapit sa tagiliran… napangiti sa alaalang munti naming laruan iyon, isang waring sandata ng ninja…muling pinagmasdan ang lawa na natatanaw sa di kalayuan…ang kalmadong tubig nito ay wari bang sumasagisag sa kapayapaang nararamdaman ng puso ko…binusog ang mga mata sa malawak na bughaw na kalawakan at ng mapagkumbabang kapatagan…
kinuha ang bitbit na kandila at posporo… umusal ng dasal ng pasasalamat bago tuluyang taimtim na pumikit, hudyat na sa muling pagmulat ng aking mga mata…

…wala na ako sa tuktok ng bundok na iyon,
ngunit sa ibabaw ng aking kama…


image:ninenok kay tropang remo:P

Note: pag-uwi ko ng Batangas, sana magkaroon ako ng pagkakataon na makaakyat ulet ng bundok Maculot…sinong gustong sumama?

12 comments:

Lord CM said...

kailangan ko pa bang sabihin? SAMA AKOOOO!!! :D

choknat said...

huwaw. ang ganda naman dun. MT. Maculot? hmmm.. lapit yun sa madalas naming puntahan sa batangas ah, taga Cuenca ung friend ko.

DETH said...

@LordCM - tara akyat tau! ahahaha...ayan 2 na tayo...sino pang gusto...:Psign-up na

@Choknat - tara chok sama ka, akyat tau...lapet lang pala friend mo baka pde maki-merienda sa kanila pagbaba...ahahaha:P

HOMER said...

i know that mountain.. :)
Sama ako.. :)

DETH said...

@Homer - yehey, talaga...sama ka ah, ayan...yahoo...(may kasalanan pa ko sayo,ahaha,tamad ko eh)

stupidient said...

lapit nun sa amin. daanan mo ako. nasa may waiting shed lang ako,,

DETH said...

@Stupe - uu cuenca lang yan, dadaanan talaga kita, may halo-halo sa taas ng Maculot di ba, halo-halo tau dun...ahahaha:P pagbaon mo ko ng lansones paborito ko yun eh,marami sa dadaanan nun...ahahaha

A-Z-E-L said...

pang-banahaw lang ako deth...

pero ganon pa man.... sana...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
wag mong kalimutang pasalubungan ako!!!

Life Moto said...

akala ko nasa malaysia pa yan hehehe

DETH said...

@Azel - bukas na ba ang banahaw, sabi kase date ng prof ko, sinarado daw muna kase under restoration ang bundok sa sobrang dumi na...hindi daw kase inalagaan ng mga umaakyat na deboto...
pasalubong galeng Mt. Maculot? amor-seko gusto mo?ahahaha

@LifeMoto - kuya Pinas na yan, ahahaha...nalito ba kita...

Misalyn said...

been there once, year 1995 pa ata yun kasama ng college friends, sarap pumunta dyan kaya lang napilyan ako sa pag-akyat noon eh hehehehe.

makata ka pala..love it!

DETH said...

@Misalyn - ganda di ba...hehehe, naku buti nakaakyat kau kahit napilayan kayo?

nyahaha, makata ako? minsan po...hehe...salamat po:D

Related Posts with Thumbnails