Monday, February 8, 2010

Salamat at Paalam MindDeth: Ang Huling Poste

Pebrero nang buksan ko ang kutang ito...

Sinalin ang ilang alaala mula sa friendster account ko, baket ba ako nagba-blog e hindi naman talaga ako magaling magsulat... siguro dahil hindi rin ako likas na makwento tungkol sa buhay ko sa personal, naging isang malaking rebelasyon ng puso ko ang bahay na ito dahil dito nagiging totoo ako...dito nasasabi ko kung anuman ang nararamdaman ko...

may isang blogger ang nagsabi na, ang kaibahan daw ng mga sinusulat ko sa nakakarami nararamdaman niya ang mga emosyong kasali sa entries ko... maraming blog ang nagbabahagi ng impormasyon ngunit mangilan-ngilan lang daw ang nakakapagbahagi ng sulatin na mararamdaman mo ang damdamin ng nagsusulat...nakakataba naman talaga iyon ng puso para sa isang katulad kong hindi naman talaga mahusay magsulat kumpara sa ibang blogero dito na sinasaluduhan ko talaga...

Napaka-personal ng blog na ito para sa akin, siguro may nabasa na kayong mga entries kung saan binabahagi ko ang aking mga pagkabigo... mga pagkakataon na sumisigaw sa pagod sa trabaho... mga simpleng pagkabagot, mga masasayang araw ng buhay ko, ang mga galit ko, pati na rin ang mga pangungulila sa pamilya ko.

May mga araw na umaawit ako, nagkakasakit... naglalaboy ng pisikal at espiritwal... nakipaglaban sa mga prinsipyong pinaninidigan...

isang buong taon na pala ang lumipas... tama na sigurong sa buwang ito ko rin isarado ang bahay ko...

Matagal ko na ring pinag-iisipan na maaring tapos na ang parte na ito ng buhay ko... ang parte na minsan ay sumubok akong maging manunulat...

may ilang pumipigil sa akin na isara ang kutang ito...mga taong naging espesyal sa buhay ko, mga kaibigang blogero na nakasama ko at hindi akalaing maging malapit sa puso ko, talaga namang naging mga tunay na kaibigan na bagaman ay hindi personal na magkakakilala ay hindi matatawaran ang impluwensiya sa buhay ko...kung paano ako'y namulat sa napakaraming bagay at reyalidad na dati'y hindi ko nalalaman...

Gusto kong sa pagkakataong ito ipaabot sa lahat ang lubos kong pasasalamat sa pagiging bahagi niyo kung sino ako ngayon...


MARAMING, MARAMING SALAMAT PO!!!


Salamat sa pagtanggap... salamat sa pagkakaibigan... salamat sa pakikibahagi sa kwento ng buhay ko at salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na maging bahagi ng buhay niyo...

Sa lahat ng nakibasa, sa lahat ng nakiiyak, sa lahat ng nakitawa, sa lahat ng nakikanta, sa lahat ng nakipagbiruan at nakipag-asaran sa kakulitan ko sa mundong ito...sa lahat ng natats at na-inspayr (kung meron man) kahit papano sa mga nasulat ko...Salamat po...

Ngunit ang pagkakaibigan ay hindi maaring matapos sa pagsasara ng MindDeth, asahan niyo po na parati pa rin akong nandito...makikibasa, makikikulit...

Sa aking pagharap sa bagong simula, sana ay mabisita niyo ako sa aking magiging bagong kuta (I'm trying to set-up a photoblog...I'll try to finish it asap...hehehe) babalitaan ko po kayo kapag naisakatuparan ko na iyon...ahaha, wish me luck:P wish me more sipag para mapagtuunan ko ng panahon at mabuksan bago niyo ko makalimutang lahat ahahaha...

So papano po...I guess ito na ang huling entry ko para sa kutang ito...

Puwede po ba kong humingi ng konting pabor?nyehehehee... Balak ko kaseng iprint ang ilan sa mga entries dito at gawing mini-book, remembrance bah...kung pwede niyo kong tulungan... what are your favorite entry or story na naibahagi ko dito and why?...salamat po:D

36 comments:

chikletz said...

huwat????!!!

ayokoooooo!!! :(

ang lungkot naman nito.. tsk.
kailangan ba talaga?

DETH said...

@Chikletz - aaaw, kahit ako nalulungkot...naluluha na nga ako eh...hehehe...but yeah, i guess i have to... its sort of moving on na rin...
thanks chikletz for being a part of my blogger life...i'll never forget you guys:D

Bhing said...

ang pagsasara ay hindi nangangahulugan ng pagtatapos bagkus ito ang umpisa ng bagong kabanata....

goodluck!

DETH said...

@Bhing - thanks ate bhing, i remember ikaw ang kauna-unahang nag-add ng blog ko sa blogroll mo...thank you sooo much:D

Lord CM said...

Deth, babalik ka rin dito sa dati mong kuta! tandaan mo yan! lolzz

Suggestion lang po sa ginagawa mong photoblog. Pwede bang bawat entry mo duon sa bago mong kuta eh may quote na related sa picture at sa kung ano ang nararamdaman mo sa oras na ginawa mo ung entry mo... :D

Alam mo yun? at least kahit photoblog sya eh nailalabas mo pa rin yung kwento ng buhay mo pero nasa likod lamang sya ng isang picture, diba? :D

stupidient said...

kung kailangan mo nang magpaalam dito talaga, gusto kong mabasa ang "ALON" post mo sa isang libro,,

Life Moto said...

Deth walang iawanan! well being an OFW blogging is really our life. we share bits of it to the world. but some good things never last. if the door close then open the window so we can view you more in the future.

Wherever your kuta is just let us know. We are kapamilya at kapuso

DETH said...

@LordCM - ahahaha, meron talagang "tandaan mo yan!" loko ka talaga...
sige kuya gagawan natin ng paraan yang suggestion mo ha...salamat:D

Kuya CM salamat po sa lahat, isa ka sa pinaka-naging kaibigan ko talaga dito (weeeh, naiiyak daw talaga ko habang nagtytype...ahahaha,parang timang)ikaw yung isa sa unang pumansin sa blog ko, hehehe...at ikaw ang naging tulay ko sa iba pang blogero...sincerely po...salamat.

Andito pa ren ako, email mo lang ako, ym...buzz mo lang ako kuya parati pa ren akong nandito para suportahan ang KaBlogs:D

DETH said...

@Stupe - oist sobrang namiss kita talaga nung nawala ka, namiss ka namin kakulitan ni homer hehehe... sana one of these days e makasalubong kita sa lipa ha... tska sana magkakatotoo yung akyat natin:P
ur a good writer bro, tuloy mo pagsusulat ha...

ang thanks, yey may isa na kong entry sa mini-book ko:P

salamat:D

DETH said...

@LifeMoto - salamat kuya, salamat po sa walang sawang pagbisita...yep it has been a wonderful experience na makakilala ng ibang OFW dito sa blogosperyo, andame ko po talaga natutunan, thankful po ako sa pagkakataong ito...salamat po.
inform ko po kayo kapag okay na yung bagong blog...salamat po sa suporta.

DETH said...

@Gello - hoy gello dyan ka pa sa shout-mix ah, d2 na lang reply ko kapatid...

ganun talaga, phases ng buhay...ahahaha

kaw nga ilang beses mo nagreincarnate ang bahay mo eh...wala na kong kakulitan, pero seriously salamat kabayan...alam mong isa ka sa mga naging friendship ko dito, bente ka na, di ka na teenager seryosohin mo pag-aaral ah...para malibre mo na ko pag-uwi ko, hehehe...

salamat kabayan sa mga kulitan natin dito...memories,memories...hehehe

a.k.a panjo said...

goodluck sa future undertakings at sa photoblog din. :p

bihira lang ako makibasa dito pero masasabi kong masarap magbasa ng isip ng babae sa blog na 'to.

DETH said...

@a.k.a panjo - appreciated po parati ang dalaw niyo...binabasa ko po ang mga likha niyo nahihiya lang akong mag-iwan ng kumento...gawin mo pong libro, bibili ako...

salamat po at naging bahagi kau ng maliit kong mundo...

Lord CM said...

Buti na lang maigse lang reply mo at sa hindi natuloy ang pagbagsak ng luha ko lolzz

Salamat din sa lahat, sa lahat-lahat :)

DETH said...

@LordCM - ay sayang dapat pala hinabaan ko, lolz ahahhaha...:P

Dhianz said...

kakalungkot... pero i respect naman 'ur decision.. pero not totally sad kc you'll have a photo blog bah 'un?... so juz let us know.. at least makaka-keep in touch pa ren kme sau... dme koh kayang fave na entries moh....why u juz don't print them all and make it a mini book... masarap basabasahin... at mabasa ang mga komentz nang bloggers.. i actually printed a lot of my entries.. nde koh nga lang matapos tapos sa dme... wabz kah namen sis deth... please don't be totally gone though... sana k.i.t. pa ren... paramdam ka pa ren... *hugz*...excited akoh for 'ur new photoblog.. take care lagi k... *hugz*... Godbless! -di

choknat said...

ayyy.. bakit? onti na lang madalas kong bisitahin na blogs tas mababawasan pa. wag ganun sis. gusto kong nagbabasa ng mahahaba mong poooooooooooooooost. waahh!

DETH said...

@Dhianz - thank you girl, mamimiss ko sobra etong mahahaba at nakakatuwa mong komentz, ahahahaha...uu naman and2 lang ako sa tabi-tabi i will not be totally gone...salamat po sa makukulet na moments natin dito...hehehe,it was fun knowing you peepol:D

choknat said...

http://minddeth.blogspot.com/2009/09/pag-automatic-na-ang-luha.html

yan favorite kong entry mo. tungkol sa kaibigan eh, sobrang nakarelate ako. :)

DETH said...

@Choknat - ikaw madalas kang maghiatus, tayo yung mga unang magkakakulitan d2 nina gello remember, hehehe...

ahahaha,gusto mo talaga mahahabang post, ganun, hehehe...basta magkikita-kita tayo hindi tau natuloy nung last uwi ko eh...

ei wag mo na kong intrigahin tungkol dun sa nawalang post...nyahahaha:P

choknat said...

gusto ko mahaba nababasa ko eh. hehe.

oo, magkita tayo! sa Maculot. haha. sabihin mo lang, hihilain ko talaga yung friend ko. haha! sa March nga baka mag Cuenca ulet kami. at sa tuwing mapapadaan kami ng Lipa, tinetext ko si gello. haha!

DETH said...

@Choknat - ok sige sis, sama naten yan...ahahaha:P salamat:D

sige sige sana magawan natin ng paraan yang Mt. Maculot na yan...ahahaha, batang-batangas ka na rin...hehehe:P

choknat said...

nagchat na tayo dito. haha! minsan lang naman. hehe

nahahawa na nga kami sa salita ng friend namin, laging may "ba". :D

DETH said...

@Choknat - ahahaha, okay lang yan, last na eh:P

batanggala said...

waah! nakakalungkot naman po ito. hindi man po ako laging nagkokomento, lagi naman po akong nandito, at nakakalungkot rin po dahil, mawawala na ang isa sa naging inspirasyon ko sa pag ba-blog, at naging idol sa pag piktyur piktyur.:(

Good luck na lang po sa inyo, at sa panibagong mundong bubuksan nyo. teynk yu din po dahil na inspired nyo po ako through sa mga nailathala nyo dito sa blog nyo. God bless po! =)

Jepoy said...

AYOKOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!

HINDI PWEDE!!!!!!!!!!!!!!!

Joke lang. Ma-mimiss ko ang kuta mo na ito at gudlak sa mga susunod mo pang plano sa buhay. Pero wag mo itong i close. Para pag naisip mong bumalik pwede mo itong gawin. Yun lang naman at gudluck to you! Muahugs!

God Bless!

DETH said...

@batanggala - ei, don't be sad...masaya ako na naging inspirasyon ako para sayo, salamat... at natutuwa po ako sa mga nilalathala mo sa blog mo, parati rin akong nakikibasa dun:D

ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat at pagpipiktyur piktyur...bisitahin mo pa ren ako dun sa magiging bagong bahay ko ah...

no goodbyes... just see yah...ahahaha:D god bless den mamimiss ko yung mga english words na tagalog written mo, nakakaaliw sobra...ahahaha:D

DETH said...

@Jepoy - welga! ahahahahaha... ako mamimisss ko sobra ang mga makalaglag panga mong mga blogpost!!! ahahaha, dadalaw pa ren ako dun ha, pag akoy nalolongkot...ahahahaha:D

Salamat po sa pagiging bahagi ng MindDeth...sobrang nag-enjoy talaga ako sa mga banat mo jepoy...ahahaha, da best talaga ang pluma!

Misalyn said...

Kakalungkot naman na magsasara na ang kuta mong 'to, bago bago pa lang akong nakakapagbasa dito eh. Kailangan ko pang basahin ang mga entries..............wag mo munang burahin waaaaaaaaaaaa.

Masaya ako na gagawa ka ng photoblog, maipapakita mo kasi doon ang talent mo, ang passion mo sa photography.

Suggestion lang, kung pwede sana wag mo na lang isara 'to. Ganito kasi yan ( magkwento daw ba? hahaha) last Oct 2009, natuklasan ko na mahilig pala akong kumuha ng pictures, nahilig akong tumingin ng mga shots ng mga photobloggers. Ang ginawa ko, gumawa ako ng panibagong blog at naging City Daily Photo sya na nagpi-feature ng Al Ain City, ano ang nakikita ko sa Al Ain City at mga bagay na related sa Al Ain.

I maintained my other blog ( Nurse on Call) kasi doon naman isinusulat ko ang mga random thoughts ko.

Suggestion lang naman yan Deth, nasa ito pa rin ang pagpapasya. Sa aking pananaw kasi, oo nga at nailalabas natin ang emotions natin habang kumukuha ng photos (nagsalita ang baguhan sa photography hahahaha), pero hindi natin maipaliwanag masyado.

Anyways, aabangan ko ang photoblog mo and excited na akong 'makapunta' sa iba't ibang lugar through your eyes and lens.

A-Z-E-L said...

SUGGESTION:

a memorable run entry...

aabanganko ang bago mong blog :)

DETH said...

@Misalyn - aaaw, natouch naman po ako sa concern, maraming salamat po talaga...

pero kelangan ko rin po kase eh...hehehe

@Azel - okei okei, sige included yan:P syempre naman...PEBA:D
Salamat azel sa pagtanggap niyo saken sa PEBA at KaBlogs, i'll never forget you guys..makikita mo pa naman ako sa FB,hehehe:D dun na lang naten tuloy ang mga kulitanz...hehehe

The Pope said...

Maraming salamat sa mahigit isang taon na pagbabahagi mo ng iyong buhay sa akin at nakararami mong tagasubaybay, sa iyong mga panulat na naghatid ng ngiti sa aming mga labi, luha sa aming mga mata at inspirasyon upang magpatuloy rin kami sa aing pagsulat ng blog.

Pagpalain ka sa iyong bagong adhikain, muli kaming mag-hihintay sa iyong pagbabalik at susubaybay sa iyong bagong photo blog.

God bless you.

HOMER said...

hay naku.. andrama.. :D ung gift wala pa din.. ;D

DETH said...

@Pope - kuya George tenk Yu po, sa lahat di ko po akalain na sa pamamagitan lng ng blogs may makikilala aqng mabubuting kaibigan at isa po kau dun kasama n ang lht ng kablogs, patuloy p ren po aqng bibisita sa mga bhy niyo...keep blogging po for our daily inspirations, babaunin ko pong lht ang mga paalala niyo...sabi nyo nga...life is beautiful. Thanks kuya for being a part of my blog:D

DETH said...

@Homer- sabihan din b ko ng mdrama...bawi, hehehe... Panira ka ng moment...ahahaha
yung gift mo ayun, gift pa ren...nyahahaha,ds week nraramdaman kong sisipagin na q...:P
oist salamat ah, isa ka sa mga kaibigan tlaga na ngain ko sa pagsusulat sa kutang ito... salamat for making me laugh, salamat sa pakikipagkulitan ndi lng dito hanggang sa outside world ng kuta ko...ndi mn aq mdalas mgpramdam alam mo nmn na parati lng aqng nandyan tulad mo paging invisible...ahahaha...buzz mo lng aq!
Yung akyat ah...sabi mo sasama ka, hehe. tska libre mo ko pag-uwi ko kase bigaten k n, ahahaha

at sana e mawala na yang writer's block mo kase namimiss ka na ng mga avid readers mo isa na ko dun:P tuloy mo po yung pagsusulat mo, okay:D

HOMER said...

@deth haha! wow nakaka iyak naman ahahahaa!! joke joke joke!

anyway, gusto ko na din burahin ung blog ko haha..

sige sige sama ako kung san man yan haha!! pm mo lang ako

Saka hindi ako bigatin haha! payat ako :)))

Related Posts with Thumbnails